Sabado, Marso 21, 2015

Historical Visit 
INTRAMUROS
Ang Intramuros, na matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig, ay ipinatayo ng mga Hispano noong ika-16 na siglo at ang pinakamatandang distrito ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Ang pangalan na Intramuros ay nangangahulugang "nagsasanggalang na pader", na tumutukoy sa kuta o lungsod na napapalibutan ng pader. Noong kapanahunan ng mga Hispano, ang Intramuros ay ang mismong Maynila. Ito ay sinira ng mga Hapones sa dahilang ito ay ang pinakamagandang parte ng Maynila, muling inayos noong Hunyo 16, 1952. (Wikipedia)

Ang Intramuros ay isang pinakamatandang lugar sa Maynila, Matatagpuan dito ang ibat ibang makalumang sandata ng mga sundalo at ang ibang kanyon napapaligiran ang Intramuros ng mga pader, maraming nakamamanghang lugar ang makikita sa Intramuros makikita mo na talagang luma na ang mga istraktura
 Ang mga lumang sandatang kagamitan ng mga sundalo noong unang panahon.
 Mga lumang istruktura na masisilayan sa Intramuros.

 Lumang kanyon.

Sa gilid ng mahabang pader makikita na ngayon ang mga paaralan na naka palibot sa intramuros at sa kalsada ay makikita mo ang mga ibat ibang klase ng tao, karamihan dito ay mga turista na nag mula sa ibat ibang bansa na gustong malaman ang naging kasaysayan ng lugar na ito, at ang karamihan ng turistang namamasyal sa Intramuros ay nakasakay sa kalesa  nililibot nila ang buong intramuros kasama ng kanilang "Tour Guide" na nag ke-kwento tungkol sa kasaysayan ng kanilang madadaanang lugar.

Isa pang makikitang magandang lugar sa Intramuros ay ang Manila Cathedral napakalaki at napaka ganda ng cathedral na ito. At makikita rin dito ang Fort santiago.

RIZAL PARK 
Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng MaynilaPilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre 301896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ngHimagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita. (Wikipedia)
Dito sa Rizal Park matatagpuan ang mataas na monumento ni Dr. Jose P. Rizal ang ating pambansang bayani.
Sa Rizal Park din makikita ang pagkabayani ni Dr. Jose P. Rizal. Makikita sa lugar na ito ang mga mahahalagang kaganapan sa buhay ng ating pambansang bayani.



Ito ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal na makikita sa Rizal Park.
Ito ang istatwa ni Dr. Jose Rizal noong sya ay binaril. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento